Sinampahan na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ng kasong kriminal ang maybahay ni Ferdinand “Enzo” Pastor at dalawang iba pa na iniuugnay sa pagpaslang sa international race driver sa Quezon City noong Hunyo 12, 2014.

Kabilang sa mga kinasuhan ng murder sa Department of Justice (DoJ) ay ang negosyanteng si Domingo De Guzman, itinuturing na mastermind, at ang umano’y triggerman na si PO2 Edgar Angel.

Sinampahan din ng kasong illegal possession of firearms si De Guzman sa DoJ.

Samantala, sinampahan ng kasong parricide si Dahlia Guerrero Pastor, asawa ng pinatay na race driver, dahil sa umano’y pakikipagkutsabahan nito kay De Guzman sa paglikida kay Enzo. Sa tatlong suspek, tanging si Dahlia lamang ang nakalalaya pa, ayon kay Atty. Salvador Panelo. Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na base sa record ng Bureau of Immigration ay hindi pa rin nakalalabas ng bansa si Dahlia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lumitaw sa salaysay ni Angel na may relasyon sina De Guzman at Dahlia at ang pambububog umano ni Enzo sa maybahay nito ang nagbunsod upang pagplanuhan ng dalawa ang paglikida tito at pagkuha ng serbisyo ng pulis-Pasay bilang hitman. - Leonardo D. Postrado