Nagpakita ng gilas si Filipino super bantamweight Dado Cabintoy makaraang itala ang ikatlong sunod na panalo sa Japan nang talunin sa 5th round technical decision si Yuta Sasaki sa Convention Center, Ginowan, Okinawa, Japan kamakailan.

Delikado na para kay Sasaki na ituloy ang laban, makaraang maputukan ng kilay, kaya idinaan sa score cards ang resulta at nagwagi si Cabintoy sa Japanese judges sa mga iskor na 49-47 at 49-48 samantalang isa ang nagdeklarang tabla ang laban sa 48-48.

Ito ang ikatlong pagwawagi ni Cabintoy mula nang kumampanya sa Japan matapos na talunin sina Rungniran Korat Sakporton ng Thailand sa 8-round unanimous decision at Rian Apriles Djabar ng Indonesia sa 2nd round TKO sa mga sagupaang ginanap sa Okinawa.

Bago ang tatlong laban sa Japan, kumasa muna si Cabintoy sa Papua New Guinea kung saan ay tinalo niya sa 9th round TKO si Jason Hayeu sa Port Moresby.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa undercard ng laban, minalas naman si Philippine super featherweight champion Edgar Gabejan na lamang sa suntukan subalit natalo sa 8-round split decision kay Masatoshi Kotani ng Japan.

Pawang Hapones din ang mga hurado sa sagupaan kung saan ay nanalo si Kotani sa iskor na 77-76 sa score cards samantalang isa ang pumabor kay Gabejan sa iskor na 77- 76.