Sa panahon ngayon ng computer at high-tech gadgets, waring mahirap isipin na may nalulungkot pa. Hindi ba kapag nais mong matawa ay mag-click ka lang sa youtube.com at makahahanap ka na ng maraming palabas na magpapasaya sa iyo? Hindi ba may mga joke site na hitik sa katatawanan? May mga site din na nagpapalabas ng kakaibang balita na pupukaw sa iyong imahinasyon. Mga palabas sa sine at TV na nakaligtaan mong panoorin ay matutunghayan mo na sa Internet. Ngunit bakit tila marami pa rin ang nalulungkot sa kabila ng napakaraming paraan upang lumigaya?
Ito marahil ang dahilan:
- Dumami/bumigat ang papel a buhay o responsibilidad. - Sa pagsisikap mong gumanda ang hubog ng iyong katawan, lalo ka lamang napapagod sa pag-e-exercise sa gym at nabibigo dahil tila walang nangyayaring pagbabago. Sinisikap mo ring magkaroon ng isang maligayang pagsasama o naghahanap ka ng perpektong makakasama sa buhay ngunit nauuwi ka rin sa kabiguan. Nadagdagan ang iyong trabaho bunga ng pagkakasibak ng iyong kasama. Dumami ang iyong intindihin sa bahay dahil nagkasakit ang iyong magulang. Marami kang kailangang kumpletuhin upang makatapos ka sa pag-aaral. Nais mong maging mahusay na estudyante, empleado, asawa, kapatid, magulang, anak, at kung anu-ano pa ngunit parang imposible.
Marami ngayong oportunidad na mapagpipilian. At habang lumalaki ang chance na magtagumpay ka sa kahit na anong larangan, lumalaki rin ang iyong paniniwala na hindi mo matatamo ito.
Upang magkaroon ka ng kasiyahan sa iyong ginagawa, kailangang alamin mo kung anu-anong goal ang makabuluhan sa iyong buhay na hindi mo kailangang iperpekto. Ang mga goal na mapipili mo ay kailangang makapagbigay ng satisfaction, pakiramdam na nagtagumpay ka, at kasiyahan habang nagsisikap kang makamit iyon.Sundan bukas.