Siyam na may-ari ng establisimiyento at isang dentista na nakabase sa Metro Manila ang kinasuhan ng Bureau Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi umano pagbayad ng buwis na umaabot sa P116 milyon.

Sa magkakahiwalay na reklamong kriminal na isinumite sa Department of Justice (DoJ), kinilala ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto Henares ang ilan sa mga akusado na sina Alexander Garcia, isang dentista ng Morning Breeze, Caloocan City; Evangeline Serteza, kontratista at merchandizing broker sa Novaliches, Quezon City; at Socorro Viar, may-ari ng isang grocery sa Sta. Elena, Marikina City.

Tulad ng ibang kaso ng tax evasion, binalewala umano ng mga respondent ang mga tax notice na ipinadala sa kanila ng ahensiya.

Si Serteza ang nahaharap sa pinakamataas na tax deficiency assessment na aabot sa P52.7 milyon na sinundan ni Garcia na may P31.1 milyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nadiskubre ang hindi tamang pagbayad sa income tax at value-added tax ng dentista sa pamamagitan ng mga credit card na ginamit ng kanyang mga pasyente sa pagbayad sa kanyang serbisyo. - Jun Ramirez