Upang mabigyang linaw ang kinukuwestiyong “eligibility” ng tatlong Gilas players na sina Gabe Norwood, Jared Dillinger at Andray Blatche para makalaro sa darating na Asian Games sa Incheon, South Korea sa susunod na buwan, nagpadala ng mga kaukulang dokumento ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Philippine Olympic Committee (POC) na magpapatunay na kuwalipikado ang tatlong manlalaro para mapabilang sa national team.

Sa kanyang liham kay POC president Jose Cojuangco Jr., kung saan binigyan din ng kopya si G. Jo Youngha, ang Director General of Sports Headquarters ng Asiad, ipinaliwanag ni SBP executive director Sonny Barrios kung bakit hindi dapat kuwestyunin ang “eligibility” nina Norwood, Dillinger at Blatche.

“Briefly, we say that the Articles 49 and 50 of the OCA do not operate to render our three mentioned players ineligible to play in the 2014 Asian Games,” nakasaad sa liham ni Barrios.

“Assuming, without conceding, that the three (3) years residency rule in Articles 49 and 50 is applicable to Mr. Norwood and Dillinger, these two are likewise eligible to play in the 2014 Asian Games considering that they have resided in the Philippines for more than three (3) years prior to the 2014 Asian Games. Their old passports are hereunto attached to show that Mr. Norwood and Mr. Dillinger have resided in the Philippines more than three (3) years prior to the 2014 Asian Games,” dagdag pa nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Batay sa nakasulat sa lumang passport ni Norwood, nabigyan siya ng Filipino passport noong Hulyo 23, 2007 na nag-expire noong Hulyo 23, 2012 habang ang Filipino passport naman ni Dillinger ay nakuha niya noong Abril 30, 2009 at nag-expire noong nakaraang Abril 29, 2014.

Bukod dito, nag-isyu rin ng kaukulang sertipikasyon si PBA Operations director Rickie Santos noong nakaraang Agosto 27 kung saan nakasaad na si Norwood ay kinuha ng Rain or Shine noong 2008 PBA Rookie Draft at naglalaro para sa nasabing koponan hanggang sa kasalukuyan habang na–draft din si Dillinger ng Talk ‘N Text noong 2008 at naglaro para sa koponan mula noong Hunyo 13 ng taong kasalukuyan bago na-trade sa Meralco.

Nilinaw din ng SBP na hindi puwedeng i-apply kay Blatche ang residency rule na nakasaad sa Article 49 at 50 ng Olympic Council of Asia constitution.

Ito’y dahil ngayon pa lamang maglalaro sa Asian Games para sa Pilipinas ang “naturalized player” na si Blatche at hindi nito nilalabag ang anumang residency rule sa Olympic charter kung saan ay nakasaad na hindi na puwedeng maglaro ang isang player kung nakapaglaro na ito sa isang bansa sa Olympic games, continental o regional games o kaya’y sa world championships.