binay01_OVP_kjrosales_270814

“I swear by God and the people that I have not received nor asked money for this project or for any project in Makati,” ito ang pahayag ni Vice President Jejomar C. Binay sa umano’y mga kasinungalingan na testimonya ni dating Makati Vice Mayor na umaming tumanggap ng “kickbacks” sa overpriced car park building sa Makati City.

Sumumpa si Binay na wala siyang ibinulsang pera mula sa parking building na itinayo o sa alinmang proyekto ng city government kaya’t isinuhestiyon niya na dapat kasuhan si dating Vice Mayor Mercado dahil sa pag-amin sa Senado na tumanggap ng kickbacks sa kontrobersiyal na proyekto.

“To my countrymen, rest assured that I will answer all these baseless allegations against me point by point,” sabi ng Bise Presidente na nagkaroon ng busy schedule kaya’t hindi nakadalo sa mga isinagawang hearing sa Senado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna nang nagpalabas ng statement si Binay matapos magbigay ng testimonya si Mercado sa Senate Blue Ribbon subcommittee. Naniniwala si Binay na bahagi ng testimonya ni Mercado ang pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kanya at pamilya nito upang gibain ang kanyang kredibilidad.

Matatandaan na nanguna si Binay sa nagsabing may plano itong tumakbo sa pagka Pangulo sa taong 2016 at ayon sa kanya ang testimonya ni Mercado ay scripted ng kanyang mga kalaabn sa politika.