Hiniling ng kampo ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada na tanggalin si Justice Undersecretary Jose Justiniano sa panel of state prosecutors na nagsusulong ng kasong plunder laban sa kanya kaugnay ng pork barrel fund scam.

Sa 10-pahinang motion to disqualify na nilagdaan ng lead defense counsel na si Atty. Jose Flaminiano, hiniling ni Estrada ang pagpapatalsik kay Justiniano bilang acting prosecutor dahil marami na itong hinahawakang posisyon sa gobyerno.

“The deputization of [Justiniano] violates the constitutional prohibition against Cabinet members and their undersecretaries from holding any other office or employment during their tenure,” ayon sa mosyon na ipinadala ng kampo ni Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division.

Ayon pa sa mga abogado ni Estrada, ang pagtatalaga ng Ombudsman ng isang opisyal ng Department of Justice (DoJ) bilang acting prosecutor ay pagsaklaw sa kapangyarihan ng Pangulo sa pagpapatakbo ng Ehekutibo.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Iginiit pa ng kampo ng senador na ang pagkakatalaga kay Justiniano ay paglabag sa Civil Service Law na nagbabawal sa pagtatalaga sa isang tao mula sa non-career service upang gawin ang trabaho ng mga nasa career service.

Si Justiniano ay private prosecutor sa impeachment case laban kay dating Chief Justice Renato Corona. - Ellson Quismorio