Bunga ng paglabag sa panuntunan ng Bureau of Customs (BOC), ilang tonelada ng ceramic tiles at plywood na inangkat sa Pilipinas, ang pinangangambahang nailabas sa bakuran ng bureau nang walang kaukulang clearances mula sa Bureau of Philippine Standards (BPS) ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dahil dito, pinag-iingat ng BOC at Bureau of Philippine Standards ang publiko at pinayuhang maging mabusisi sa pagbili ng mga ceramic tiles at plywood.

Ayon sa mga awtoridad, dapat tingnan ng mamimili ang Philippine Standard (PS) Quality o Safety Certification Mark License/s; o Import Commodity Clearance/s (ICC) na ibinigay sa mga manufacturers o importers. Dapat din nilang tiyakin na ang mga packaging o produkto ay tunay na PS Mark o ICC sticker na nakakabit dito. - Mina Navarro
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros