RAYVER Cruz

ANO kaya ang problema kay Rayver Cruz? Bakit hindi siya napapansin ng ABS-CBN na isama man lang sa marami nilang teleserye?

Marunong naman siyang umarte, may itsura naman, maganda ang tindig, at higit sa lahat ay propesyonal, walang nababalitaang isyu at sobrang bait.

Nakakapanghinayang na hindi siya nabibigyan ng teleserye gayong may kilala kaming hindi gaanong marunong umarte, nali-late sa set, hirap pang magmemorya ng linya at mahirap ding kausap kasi hindi kaagad nage-gets ang topic, pero laging may programa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

May alam kaming TV network na gustong kunin ang serbisyo ni Rayver pero nang magtanong daw sila sa ABS-CBN ay may nagsabing nakakontrata pa sa kanila ang aktor at matagal pa raw bago ito mag-expire.

Kuwento sa amin ng isang TV executive, nanghihinayang ang kanilang TV network na hindi nagagamit ang galing sa pag-arte ng binatang aktor.

Nagtanong kami sa Star Magic kung ano ang update kay Rayver, “He’s doing two movies po, one from Skylight, ‘yung Modus, siya po ang bida at sa Regal Films with Kylie Padilla, titled Dilim,” sabi sa amin.

Kumpirmado na hanggang Hunyo 2015 pa ang kontrata ni Rayver kaya medyo matagal pa nga ang pagkakatali niya sa Dos.

Ipinaalam namin ito sa nakausap naming TV executive sa ibang TV network at ang kanyang reaksiyon ay, “Sige, aabangan namin, magpaparamdam na rin kami na interesado kami sa kanya.”

Kung magiging praktikal si Rayver lalo’t siya naman ang breadwinner ay puwede niyang tanggapin ang offer ng nasabing network kapag hindi na siya nag-renew ng kontrata niya sa ABS-CBN.

Pero kung hindi naman siya nagmamadaling magkaroon ng regular shows at kuntento na siya sa pasama-sama sa shows sa ibang bansa na sponsored ng TFC, e, manatili na lang siya sa Kapamilya Network kasi halos lahat ng artists nila ay kilala sa lahat ng panig ng bansa.