Ipagpatuloy natin ang ating paksa tungkol sa ilang tip upang maging model employee...

  • Maging patas. - Upang maasahan mo ang kabaitan ng iyong mga kasama sa trabaho sa iyo, kailangang simulan mong maging mabait sa iyong sarili. Tinatanaw ng mga katrabaho ang isa’t isa at kapag may nakita silang nakapagdudulot sa kanila ng inspirasyon, nagiging masipag sila at dedicated na mga manggagawa. Gayunman, kapag pinahihirapan mo ang iyong sarili sa pag-aasinta ng mga imposibleng target, hindi mo ginagamit ang buo mong potensiyal at hindi mo namamalayang isa ka na palang masamang ehemplo para sa iyong mga kasama. Kailangan ding maging patas ka sa lahat ng larangan ng iyong ginagawa, pati na ang pakikipag-ugnayan mo sa iba. Tratuhin mo sila sa gusto mong itrato nila sa iyo. Maging makatarungan, at huwag kumampi kaninuman.
  • Magpakatotoo. – May ilan tayong mga kasama sa trabaho na itinuturing na war zone ang lugar ng trabaho at naniniwala sila na ang tanging paraan upang sumulong ang career ay sa pamamagitan ng matinding tunggalian ng galing at talino. Kailangang malaman ng mga taong ito na ang kanilang pagiging arogante ang nakasisira ng magandang samahan o pagtitinginan ng mga manggagawa sa lugar. Sa halip, gawin mong makatotohanan ang kompetisyon at gamitin iyon upang magdulot ng isang malusog na working environment. Maaari ngang maging kaaya-aya ang magkaroon ng tagisan ng galing ngunit sa layuning mauwi sa magagandang resulta ng inyong trabaho.
  • National

    OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

  • Magsulong ng pagbabago. – Ayaw nating magtrabaho na parang mga robot. Kung nagtatrabaho ka para lamang sa suweldo tuwing akinse at katapusan ng ng bawat buwan, ang pananaw na iyon ay masasalamin sa iyong pag-uugali tungo sa iyong mga kasama. Pag-aralan mong mabuti ang tungkuling iniatang sa iyo at huwag matakot na magtanong. Sa ganitong paraan ka magkakaroon na mas matibay na kumpiyansa at katiyakan sa iyong sariling gawa. Bukod dito, magiging magandang halimbawa ka pa sa iyong mga kasama. Ang model employee ay isang team player, na nagdudulot ng inspirasyon sa iba na gumawa nang mas mahusay at maging matapat sa tungkulin.