DISKRIMINASYON ● Totoong nagulat ako sa balitang may mga taong hinahamak pa rin ng kanilang kapwa. May mga mamamayan ng India na nabibilang sa pinakamababang antas ng lipunan ang puwersadong maglinis ng palikuran ng mga tahanan. Ayon sa isang human rights group, puwersadong nililinis nang mano-mano ng mga Indian na nabibilang sa low-caste na antas ng lipunan ang mga pozo negro sa mga tahanan. Mano-mano nilang sinasalok ang dumi at nilalagay sa mga basket saka itinatapon sa itinakdang tapunan. Hina-harass ang mga abang mamamayang ito kapag tumanggi silang maglinis. Sinabing lumang damit at tirang pagkain ang ibinabayad sa kanilang paglilinis.

Kailangang maging seryoso ang kanilang gobyerno sa pagpapatupad ng mga batas na nagbabawal ng ganitong uri ng diskriminasyon. Noong nakaraang taon, nagpasa ang mga mambabatas ng India upang ipagbawal ang scavenging at may mga probisyon upang bigyan ang mga manggagawang ito at kanilang pamilya ng alternatibong trabaho at ayuda. Sa kasalukuyan kasi, kapag naghanap ang isang Indian ng trabaho, tinatanong sila kung anong caste sila nabibilang. Kapag sinabi nilang nabibilang sila sa Dalit o Valmiki (na mababang uri ng tao sa lipunan), ang paglilinis ng kubeta ang ibinibigay sa kanila. Paurong na talaga ang India.

HINDI RAW PANG-EXPORT ● Hindi ginagarantiya ng K-to-12 program na magiging world-class Overseas Filipino Worker ang magsisipagtapos dito. Ito napabalitang tinuran ng Philippine Busines for Education (PBED). Tahasang pinuna kasi ng ilang grupo ang naturang progama dahil sa dagdag na pasanin ng mga estudyante at mga magulang ang dalawang taon pang pag-aaral. Nabatid na suportado ng PBED ang K-to-12 kung mahusay ang pagtaguyod dito ng gobyerno. Ipinaliwanag naman ni Education Secretary Bro. Armin A. Luistro na maaari nang magtrabaho ang nagsipagtapos sa high school dahil tangan naman ng mga ito ang certificate sa technical at vocational courses. Aniya, kapag nakaipon na ang mga graduate sa kanilang pagtatrabaho, maaari na silang makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Binabatikos ng nakararami ang K-to-12 gayong hindi pa ito nabibigyan ng pagkakataong lumarga. Masasabing matagumpay ang programa kung nakapamunga nga ito ng mahuhusay na estudyante. Hitik talaga ang bansang ito sa manghuhula.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente