Demi Lovato

NAGPAHAYAG si Demi Lovato na sinayang niya ang maraming taon na ikinahihiya niya ang kanyang katawan.

Inamin ng 22-anyos na singer, pumasok sa rehab dahil sa eating disorders, drug at alcohol abuse at pananakit sa sarili noong 2010, na sa wakas ay nararamdaman niyang maganda siya ngayong nalagpasan na niya ang kanyang body image issues.

Nagpaskil sa Instagram noong Agosto 25 ang Really Don’t Care hitmaker ng mga litrato niya para ikumpara ang kanyang itsura sa MTV Video Music Awards sa nakalipas na apat na taon, at naglagay ng caption na: ‘’This picture makes me feel so many mixed emotions. I remember the day I wore the dress in the very first picture. I remember asking for Spanx to flatten my stomach because I [used] to feel so heavy and ‘fat.’

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

‘’Now looking at this picture, you can clearly see my hip bones. It makes me sad because I wasted so many years ashamed of my body when I could’ve been living the happy and healthy life I live today.’’

Idinagdag ng brunette beauty, na dumalo sa seremonya sa Los Angeles noong Linggo, suot ang daring red Lanvin gown, na: ‘’It TRULY just goes to show you that your perceptions can lie to you. OR they can make you learn to enjoy life. Fortunately looking at the picture of myself in the red dress yesterday, I not only feel so grateful for the love and support I’ve had from fans, friends and family, but... I also feel... beautiful.

‘’I’m so excited to live my life the way I deserve to, and to the complete fullest.’’