Pinagkaguluhan ng mga residente ang isang lalaking fetus na itinapon sa basurahan sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Inilagay sa plastic ang fetus na hinihinalang anim na buwang gulang na at nakakabit pa ang umbilical cord nito bago isinama sa mga basura sa Torres Bugalion Street, Barangay 5 ng nasabing lungsod.

Isang lalaking scavenger ng basura ang nakakita sa fetus at kaagad na ipinaalam sa Barangay Tanod na si Leonardo Luna dakong 2:00 ng madaling araw. Dinala ang fetus sa Eusebio Funeral para mabigyan ng maayos na libing.

Kaugnay nito, tinitingnan na ng mga opisyal ng barangay ang close circuit television camera sa lugar upang malaman kung nakunan ang nagtapon ng bata sa basurahan.

National

Desisyon sa impeachment trial vs VP Sara, ‘walang assurance’ na magiging patas – Pimentel

“Kapag nakilala po namin yung nagtapos sa fetus sa pamamagitan ng CCTV, pakakasauhan namin sa pulisya,” pagtatapos ni Luna. - Orly L. Barcala