NEW YORK (AP)– Ang American teenager na si CiCi Belli ang naging pinakabatang manlalaro na nanalo sa isang U.S. Open match mula 1996, halos tatlong taon bago siya ipinanganak, nang kanyang gulatin si Australian Open runner-up Dominika Cibulkova.

Ang 15-anyos na si Belli ay naghabol mula sa isang break sa ikatlong set upang itala ang 6-1, 4-6, 6-4 first round victory kahapon kontra sa 12th-seeded na si Cibulkova. Sa harap ng nagsisigawang crowds, nakuha niya ang break mula sa serve ni Cibulkova upang selyuhan ang laban.

Napanalunan ni Belli ang USTA Girls’ 18s National Championship upang makuha ang wild card sa kanyang unang tour-level main draw. Ang Californian ang pinakabatang kampeon sa nasabing event mula nang makopo ito ni Lindsay Davenport sa edad na 15 noong 1991. Si Anna Kournikova ay nanalo bilang isang 15-anyos sa U.S. Open noong 1996.

Nang matapos ang laban, tumakbo si Bellis patungo sa kabilang dako ng court upang yakapin ang mga miyembro sa kanyang cheering section. Inamin niyang nasorpresa siya sa naging resulta na tulad ng nakararami.

National

Bagyo sa labas ng PAR, pinangalanan nang ‘Romina’; Signal #1, itinaas sa Kalayaan Islands

“I went into the match thinking it was going to be such a great experience, but I never thought I would come out on top winning,” aniya. “Words can’t describe it right now. Maybe tomorrow, I’ll be able to think of it better.”