NAVARRO PIX_800x600

Nag-alok ang pamunuan ng DWIZ radio station, sa pangunguna ni Ambassador Antonio L. Cabangon Chua, ng P.5M reward para sa makapagtuturo sa bumaril sa isang hard-hitting commentator sa Dagupan City.

Iniharap naman kahapon ng PNP Dagupan City ang nahuli nilang suspek na si Rolando Lim Jr. ng Dagupan City matapos itong imbestigahan.

Gayunman, nais ng management ng DWIZ na matukoy kung sino talaga ang responsable sa pagbaril kay Orly Navarro, 55, may asawa ng Pantal District, Dagupan City.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ni Navarro, nang makapanayam ng Balita kahapon, na nais niyang matiyak kung ang hinuling suspek ay may kinalaman sa krimen dahil kawawa naman ito kung inosente ito.

Samantala, matagumpay ang ginawang operasyon kay Navarro kahapon ng umaga upang tanggalin ang bala sa kanyang likod.

Inabutan pa ng pahayagang ito na kalalabas lang sa operating room si Navarro at nagpapasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap, lalo na ang kanyang estasyon.

Kaugnay pa rin ng balita, may ilang report na posibleng hindi lang nakasentro sa droga ang maaaring motibo sa pamamaril kayNavarro at maaari umanong may kinalaman ang ilang kilalang personalidad sa lungsod. Naglalakad pauwi ang biktima sa Pantal nang barilin ng suspek. - Liezle Basa Iñigo