AYON sa showbiz observers, wala nang direksiyon ang acting career ni Carlos Agassi dahil sa kawalan niya ng home network. May mga nagsasabi ring “has been” na ang aktor.

Nasa balag ng alanganin ang takbo ng career ni Carlos na walang bagong project, bagamat hindi naman daw siya nawawalan ng guestings na mostly raw ay sa Kapuso Network.

Nakausap na raw si Carlos ng management ng ABS-CBN, dating home network niya, at pinangakuan siya na bibigyan ng mga proyekto o role na babagay sa kanya. Pero hindi man ganoon kasigla ang kanyang showbiz career, wala naman siyang nararamdamang frustrations na kagaya ng ilang kasamahan sa showbiz.

Hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil alam niyang may nakalaang panahon para sa kanya, kagaya noong una niyang TV commercial na naging daan para makapasok siya sa mundo ng pelikula at telebisyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sey ni Carlos nang makausap namin siya sa presscon na ipinatawag ng Guitar undergarments, na isa siya sa mga orihinal na endorser, kasama sina Joem Bascon, DJ Durano, Mike Tan, Gloc 9 at ang latest addition na sina Mark Mugen at Ana Mateo, wala naman siyang ni katiting na hinanakit sa takbo ng kanyang career.

Tuwang-tuwa siya na simula nang kunin siya ng Guitar ay never siyang pinalitan at nagtuluy-tuloy ang exposures niya sa mga naglalakihang billboards sa Metro Manila at sa iba pang mga siyudad ng Pilipinas.

Busy rin si Carlos sa kanyang restaurant.

For the nth time, nilinaw uli ni Carlos Agassi ang lumabas na balitang nagkaroon siya ng malubhang sakit at muntik nang sumakabilang-buhay. Dahil hindi siya ganoon ka-visible sa showbiz, gumawa raw ng isyu ang bashers niya at ipinagkalat na namatay siya sanhi ng malubhang karamdaman na walang lunas.

“Sa totoo lang, kahit kailan, eh, hindi ako dinapuan ng matinding sakit at nabingit sa kamatayan. Pero pinasalamatan ko na rin naman ang mga bashers ko dahil may katiyakan na humaba pa ang buhay ko kumpara sa mga taong ‘yun,” sey pa ni Carlos Agassi.