Unti-unti nang nababawi ng pamahalaan ang mga ill-gotten wealth ng dating Pangulong si Ferdinand Marcos.

Ito ay matapos iutos ng Sandiganbayan Special Division ang pagsasauli ng $42 milyong (P1,833,103,020 ) bahagi ng nakaw na yaman ni Marcos.

Ayon sa rekord ng kaso, ang nasabing nakaw na yaman ay nasa pag-iingat ngayon ng Arelma Inc., isang foundation na itinatag ng dating Pangulo sa bisa ng Panamian Law noong 1972.

Ayon sa hukuman, naglabas na sila ng dalawang pahinang writ of execution na may petsang Agosto 18 na inuutusan ang nasabing foundation na ilipat na sa pamahalaan ang nasabing nakaw na yaman ni Marcos, alinsunod na rin sa hatol ng Korte Suprema noong Marso 12, 2014.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang nasabing salapi na ipinalilipat na sa National Treasury ay nakalagak sa Philippine National Bank