Upang matiyak na magiging maayos ang trapiko sa pagdagsa ng 556 provincial buses sa South Station Terminal sa Alabang para sa isang buwang trial period, nagpalabas ng 15-traffic enforcers ang Muntinlupa City Government, 29-traffic constable mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), traffic policemen at traffic personnel mula sa Manila Toll Expressway System na may operasyon malapit sa South Luzon Expressway para umasiste sa lansangan.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, nagkaroon ng koordinasyon ang mga nabanggit na ahensiya upang tutukan ang rigodon ng provincial buses na inaasahang dadagsa sa isasagawang trial sa nasabing istasyon ng bus sa lungsod.

Sinabi ni Gerard Comia, Office-In-Charge ng Muntinlupa Traffic Unit, itatalaga sa mga pangunahing lugar sa Alabang-Zapote road at malapit sa Alabang viaduct areas ang traffic enforcers para mas madaling mahatak ang trapiko sakaling bumigat ito sa paglabas ng 556 provincial buses mula sa Southern Luzon na daragdag sa mga sasakyan patungo sa northern Metro Manila.

Nabatid na kapag nakarating ang bus sa South Station Terminal, gagabayan na sila ng Filinvest personnel dahil ang naturang terminal ay pribado at pag-aari ng Filinvest.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“If [the Filinvest personnel] can’t [handle the volume] anymore, that’s when we will go inside [the terminal and assist them],” pahayag ni Comia.

Nauna rito, inaprubahan ng Metro Manila Mayors ang paggamit sa terminal bilang temporary destination ng 556 provincial buses na hinarangan sa EDSA bilang bahagi ng programa na maibsan ang traffic congestion sa mga pangunahing lansangan ng Metropolis.

Ang mga apektadong bus mula Laguna at eastern part ng Batangas ay pinagbawalan nang magkaroon ng terminal sa Metro Manila kaya’t nireresolba ang naturang problema.