Pinagtibay ng House Committee on the Welfare of Children ang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng kaukulang proteksiyon ang mga batang Pilipino sa alinmang panig ng bansa na may mga armadong labanan.

Sinabi ni Zamboanga del Sur Rep. Aurora Cerilles, chairperson ng komite, na ang HB 4557 (Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Act) kapalit ng orihihal na HB 1332 ay nagdedeklarang labag sa batas ang ano mang pagpatay, pagpapahirap, intensiyonal na pagpinsala sa katawan, paggahasa ng mga bata, malupit na pagtrato, pagdukot, paggamit sa mga bata bilang hostages, pag-recruit sa kanila sa panig man ng gobyerno o ng mga armadong grupo.

Ipinagbabawal din ng panukala ang pagkakait ng humanitarian access at tulong sa mga bata, pag-atake sa mga pampublikong istraktura o lugar na kinaroroonan ng mga bata, hamleting, food blockade, maling pag-uulat sa kustodiya ng bata, at huwad na pagpapangalan sa mga bata.

Itinatakda ng panukala ang pagkakaloob ng espesyal na proteksiyon sa lahat ng uri ng abuso, karahasan, pagabandona, diskriminasyon at iba pang kondisyon na naglalagay sa panganib ng kabutihan ng mga bata sa mga lugar na mayroong armadong labanan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente