BUMAGSAK ang ranggo ng Pilipinas bunsod diumano ng terorismo, mga problemang panloob, kurapsiyon atbp na dulot ng tinatawag na “political patronage.” Ito ang kalagayan ng ating bansa batay sa pandaigdigang pag-aaral na siyang sumusukat sa pandaigdigang kapayapaan ng bawat bansa. ayon sa mga ulat, sa ranggong ika-134 sa may 162 bansa sa Global Peace Index 2014, mas mababa ang Pilipinas ng limang antas kumpara noong 2013, at isa sa pinakamababa sa Asia-Pacific. ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit sa ranggo ng kapayapaan ay pumapangalawa ang Pilipinas sa pinakamababa sa Southeast Asia? ang Myanmar ay nasa ika-136, bansang bagong nakawawala lang sa military junta rule.

Samantala, ang ranggo ng mga kalapit-bansa ng Pilipinas ay ganito: Singapore (ika-25); Malaysia (ika- 33); Laos (ika-38); Vietnam (ika-45); Indonesia (ika-54); timor Leste (ika- 169); Cambodia (ika-106); at thailand (ika-126). Anyare? Mahal kong Pilipinas, bakit ka nagkakaganito? Bakit magulo gayong ikaw ay isang bansang Katoliko, sumusunod sa aral ni Kristo na “Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili”; “Pag hinagisan ng bato, gantihan ng tinapay”; “Pag sinampal sa kaliwang pisngi, ibaling ang kanan.” Noong 1960s, pangalawa tayo sa Japan sa kaunlaran. Nakaiiyak ngayon na ang Pilipinas ay pangatlo sa pinakamababa ang ranggo sa Asia-Pacific region sa punto ng kapayapaan, mas mataas lang kaysa Myanmar at North Korea (ika-153).

TID BITS ● Isang kalye sa Malvar, Batangas ang ipinangalan sa yumaong movie actor Fernando Poe Jr. (FPJ) kaugnay ng kanyang ika-75 kaarawan. Sa Ilocos Norte naman, isang fiber glass na estatwa ang itatayo sa sand dunes o “disyerto” ng Paoay na naging lokasyon ng “ang Panday.” Si Eddie Ilarde, ex-senator at kilalang announcer-host ng radio program na “Kahapon Lamang” ay nagdiwang ng ika-80 kaarawan noong Agosto 25. Kuya Eddie, napakasakit ng situwasyon ngayon ng bayan natin!

Maikling tula para sa bayan ko: “Saan ba patungo ang mahal kong bayan, Sa daan bang tuwid ng kaginhawahan? O sa likong landas na ang hahantungan, gutom, kahirapan?”
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!