Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

12 p.m. Perpetual Help vs Letran (jrs/srs)

4 p.m. Lyceum vs St. Benilde (srs/jrs)

Kumalas sa kinalalagyan nila ngayon sa 3-way tie para makaangat sa ikalawang posisyon ang tatangkain ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) sa kanilang muling pagtutuos ng Letran College (LC) sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 seniors basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa tampok na laban, gaya ng Altas, ay target din ng College of St. Benilde (CSB), kasalo ng una at season host Jose Rizal University (JRU) sa ikalawang posisyon na hawak ang barahang 6-4 (panalo-talo), na makamit ang ikapitong panalo upang makalapit sa mga namumunong Arellano University (AU) at defending champion San Beda College (SBC).

Target ng Blazers na maulit ang naitala nilang 86-77 panalo laban sa Pirates sa unang round habang magsisikap naman ang huli na makabawi sa naturang panalo, gayundin sa nalasap na pagkabigo sa kamay ng Altas sa kanilang unang laro sa second round na nagbaba sa kanila sa solong ikatlong puwesto na hawak ang barahang 5-5 (panalo-talo).

Muli, inaasahang mamumuno sa tropa ni coach Aric del Rosario ang kanilang mga pro-bound player na sina Harold Miguel Arboleda na na-draft ng Talk ‘N Text sa second round ng nakaraang Gatorade 2014 PBA Annual Rookie Draft at si Juneric Baloria na nakuha naman sa third round ng Blackwater Sports.

Maliban sa dalawa, umaasa rin ng magandang laro si Del Rosario mula sa iba pa niyang starters na sina leading MVP candidate Scottie Thompson, Justine Alano at Joel Jolangcob, tulong mula sa bench ng kanyang second stringers, particular sa nakaraang hero ng laban nila sa Pirates na si Gab Dagangon, mga beteranong sina GJ Ylagan, Gerald Dizon, Nestor Bantayan at rookies na sina Flash Sadiwa at Ric Gallardo.

Para naman sa Knights na mas nag-ibayo ang inspirasyon makaraang masundan ang kanilang naging panalo laban sa defending champion SBC sa pagtatapos ng first round, 84-77, overtime win laban sa Heavy Bombers sa second round, muli nilang sasandalan sina Mark Cruz at Kevin Racal, katulong sina Jamil Gabawan, Rey Publico, Mcjour Luib at Rey Nambatac.

Samantala, sisikapin naman ng Blazers na madugtungan ang naitalang panalo sa pagbubukas ng second round kontra sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals sa pamumuno ng pro-bound din na sina Paolo Taha at Mark Romero na kapwa naman na-draft sa third round noong nakaraang Linggo.