Tinuligsa ng mga Pinoy sa Hong Kong ang pork barrel system at planong pagpapalawig sa termino ni Pangulong Benigno S. Aquino III kasabay ng pagpapahayag ng all-out support sa People’s Initiative sa pangangalap ng lagda laban sa ano mang uri ng “pork barrel” fund.

“Filipino migrants in Hong Kong are in all-out support to the people’s initiative to end the pork barrel system, and not to the perpetuation of the pork-filled regime of Noynoy Aquino.”

Idineklara ni Eman Villanueva, chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na nakabase sa Hong Kong at Macau, ang suporta sa People’s Initiative sa ginanap na rally sa Central Hong Kong noong Linggo.

Nabatid na nangangalap ng pirma ang mga migrant Pinoy upang susugan ang pagpapasa sa “Act Abolishing the Pork barrek System.”

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

“The program was held a day before a massive signature drive is set to be conducted in Luneta by the People’s Initiative Against Pork (PIAP) launched in Cebu City yesterday.”

Ayon kay Villanueva, ang ideya ng People’s Initiative ay mula pa sa suhestiyon ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na ipinupursige ng mga grupo kontra pork barrel.

Nabatid na ang People’s Initiative ay legislative process na ginagarantiyahan ng 1987 Philippine Constitution na nangangailangan ng lagda ng 10 porsiyento ng kabuuang bilang ng botante sa bansa.

Sinabi pa ni Villanueva na ang mga registered voter sa ilalim ng Overseas Absentee Voting ay maaaring pumirma para sa People’s Initiative. Bukod, aniya, rito ay hihimukin pa ang voting family members ng mga OFW para sumuporta sa kampanya.