Umaasa ang unang Filipino archer na nagwagi ng gintong medalya sa international mixed team event sa 2nd Youth Olympic Games (YOG) na tuluyan nang maibangon ang isports sa bansa.
“I hope the gold can become a symbol of inspiration to all Filipino athletes and I hope a lot of Filipino athletes will qualify next year for the Rio Olympics,” sinabi ng 16-anyos na estudyante sa La Salle Greenhills na si Luis Gabriel Moreno matapos na makipagtambalan kay Jiaman Li ng China at sungkitin ang ginto sa Fangshan Archery Field.
Tinalo nito sina Eric Peters ng Canada at Mirjam Tuokkola ng Finland sa semis bago nagwagi kontra kina Muhammad Zarif Zolkepeli ng Malaysia at Cynthia Freywald ng Germany sa finals.
“I hoped that this victory will provide inspiration to my fellow Filipino athletes,” pahayag ni Moreno.
Ang ama ni Moreno na si Frederick ang bagong halal naman na presidente ng Philippine Archers National Network and Alliance Inc., (PANNAI) na siyang governing body ng sport sa bansa.
“It (archery) can also be interesting. You don’t have to be tall or short, you don’t have to have long arms or short limbs. As long as you have the will and determination you can do anything,” sinabi ng Filipino gold medalist.
Hindi naman sinuwerte ang isa pang archer na si Bianco Cristina Gotuaco, nagwagi ng ginto sa Ohio, matapos mabigong umusad sa round of 16 ng women’s individual.
Una nang nabigo ang ibang miyembro ng delegasyon ng Pilipinas na sina triathlete Vicky Deldio, swimmer Roxanne Yu, shooter Celdon Arellano, track bet Zion Rose Nelson at gymnast Ava Lorein Verdeflor.
Nakatakdang magbalik sa bansa ang delegasyon sa Agosto 29.