Lahat ng propesyonal ay naghahangad ng isang perpektong working environment upang maisulong ang paglago ng propesyon. Ang pagkakaroon ng magigiliw, mahuhusay at matatalinong kasama sa trabaho ay nakadaragdag ng kasiyahan sa paglinang mo sa iyong sariling galing. Upang maging maayos ang pakikisama sa iyo ng iyong mga katrabaho, kailangang sa iyo magsimula ang mabuting pagtrato sa iba. Narito ang isang ideya na maaari mong gawin upang kagiliwan ka sa trabaho:

  • Maging mabait ka sa lahat. – Ang unang hakbang upang maging isang model employee ay ang maging mabait ka sa lahat ng iyong katrabaho, pati na sa lahat ng nasasakupan ng korporasyong iyong pinapasukan. Madaling maging war zone ang lugar ng trabaho kapag nagsimula nang mag-iringan ang mga manggagawa. Sapagkat imposible naman na magkakapare-pareho kayo ng ugali dahil iba-ibang environment ang inyong kinagisnan, kailangang tanggapin mo ang ugali ng iyong mga kasama at kung ano ang kanilang pagkatao. Kung tanggap mo ang kanilang pagkatao at hindi mo tinitingnan ang kanilang mga kapintasan, maiiwasan mong humusga at magiging maunawain ka. at sa pagiging mabait mo sa iyong mga kasama, gagantihan ka rin nila ng kanilang kabaitan.

  • National

    OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

  • Igalang mo ang iyong superyor. – Maraming manggagawa ang hindi gusto ang pag-uugali ng kanilang boss kung kaya hindi rin maiiwasan ang ikalat ng mga ito ang tsismis (totoo man o hindi) sa abot ng kanilang nasasakupan. Kung ikaw ay superior, maaaring nagdudulot ng ligaya kung iginigiit mo sa iyong nasasakupan ang iyong kapangyarihan, hindi ito angkop na pag-uugali na dapat ipakita sa iyong mga kasama. Kapag may lakaran, ikaw ang huling iisipin nilang isama sapagkat hindi ka kaayaayang kasama. Kung isasama ka naman nila, maiisip mo rin na nagpapalakas lamang sila sa iyo at hindi totoo ang kanilang pakikisama.

Gayong marami-rami rin ang naniniwala na ang gawing BFF (best friend forever) ang boss ay hindi mainam na paraan upang isulong ang career, mas mainam pa rin ang pagkakaroon ng mabuting record sa kanyang talaan.

Sundan bukas.