Isusumite ng Philippine General Hospital (PGH) ang medical assessment kay Senator Juan Ponce Enrile sa Sandiganbayan sa Setyembre 10 bilang basehan sa hirit ng kampo nito na isailalim siya sa hospital arrest dahil sa maselang kondisyon ng kalusugan.

Una nang humirit ng 15 araw na extension ang direktor ng PGH sa Sandiganbayan para makumpleto ang kanilang report hinggil sa medical test kay Enrile na nakakulong ngayon sa PNP General Hospital sa Camp Crame.

Ayon kay Dr. Jose Gonzales, kinakailangang matingnan ng isang pulmonologist si Enrile para masuri nang mabuti matapos ma-diagnose ng bronchial asthma.

Nahaharap sa kasong plunder at graft si Enrile sa pagkakasangkot sa kontrobersiyal na P10-bilyon pork barrel scam na kinabibilangan nina Senators Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr. na nakakulong ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3