FREETOWN (AFP)— Sinabi ng Ebola envoy ng UN noong Lunes na ang laban sa epidemya ay isang “war” na aabutin ng anim nabuwan, kasabay ng pahayag ng global health body na nahahawaan ng sakit ang “unprecedented” na bilang ng medical staff.

Si David Nabarro, ang British physician na itinalaga ng United Nations para pamahalaan ang global response sa krisis, ay nasa kabisera ng Sierra Leone, sa Freetown, para sa limang araw na rehiyon.

“The effort to defeat Ebola is not a battle but a war which requires everybody working together, hard and effectively,” aniya sa isang news conference. “I hope it will be done in six months but we have to do it until it is completed.”

Nangako ang mga opisyal ng UN na higpitan pa ang mga pagsisikap laban sa nakamamatay na tropical virus, na humawa na ng mahigit 2,600 at pumatay ng 1,427 simula noong nakaraang taon.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente