Sa isang panayam ng mga reporter sa Malacañang noong agosto 22, tinanong si presidential spokesman Edwin Lacierda tungkol sa pipiliin ng Pangulo para kumandidato sa panguluhan sa 2016, sumagot siya: “Let’s wait for the endorsement of the President -- kung sino ang kanyang hahayagin bilang kanyang kandidato sa 2016, kung sakaling tutuloy ang 2016 elections.”

Dahil sa kaguluhang nilikha ng pangungusap na ito ng sariling tagapagsalita ng Pangulo hinggil sa posibilidad na hindi matuloy ang halalan sa 2016, nag-text siya na hindi pa nagpapasya ang Pangulo sa term extension o kung sino ang ieendorsong kandidato nito. “In both instances, the 2016 elections will push through.”

Kalaunan, sinabi ng deputy presidential spokesperson na nagkamali lamang ang spokesman sa paggamit ng pambansang wika – kahit malamang na hindi naman mangyayari. May ilang naniniwala na isang tahasang pagpapahayag iyon na may layuning guluhin ang eleksiyon na lumalago nang itinuturo si Vice President Jejomar C. Binay bilang pinakamahigpit na katunggali sa 2016 o maaari rin namang mithiin lamang ito ng presidential spokesman.

Ang huling nagkansela ang bansa ng halalang pangpanguluhan ay noong 1972 sa pagsisimula ng martial law. Nakapaglingkod na si Pangulong Ferdinand Marclos ng isang apat na taong termino at nalalapit na sa pagwawakas ng kanyang pangalawang termino. Sa ilalim ng 1935 Constitution, hindi na siya maaaring tumakbo pa para sa reeleksiyon. Sapagkat sinabi niyang nasa panganib ang bansa na pamunuan ng mga komunista, kaya nagdeklara si Marcos ng martial law noong Setyembre 21, 1972, nilusaw ang Kongreso at kinansela ang presidential elections na nakatakda noong Nobyembre 1973. Nanatili siya sa kapangyarihan sa sumunod na 14 taon hanggang mapatalsik siya ng EDSa People Power Revolution noong 1986.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Maging pagkakamali man iyon sa paggamit ng Tagalog o isang tahasang pagpapalutang ng isang ideya na inaasahang makalilipad o isa lamang na mithiin ng spokesman, ang kaisipang kanselahin ang halalan upang manatili sa posisyon ay masyadong hindi kanais-nais sa ating demokrasya. ang pagamyenda ng Konstitusyon upang mapahintulutan ang reeleksiyon ay masamâ na. ang pagwawalang-bahala sa Konstitusyon pang kanselahin ang isang halalan ay hindi pumapansin sa mapait na karanasan ng bansa sa ilalim ng martial law. Hindi ito angkop. ang ang isipin ang posibilidad niyon ay hindi karapat-dapat sa kahit na sinong opisyal.