Nakatakdang mag-leave of absence ang chief of staff ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala bunsod ng kontrobersiya sa pagbibigay ng rice cargo contract sa isang trucking firm na hindi sumailalim sa bidding.

Kasalukuyang iniimbestigahan sina dating National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag at kanyang special assistant na si Dennis Guerrero dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Graft Law nang kanilang ipagkaloob ang P1.08 billion rice cargo handling contract sa Avega Bros. Integrated Shipping Corporation (Avega Bros.)

“I vehemently deny the accusation,” pahayag ni Guerrero sa isang kalatas

“The importations that were undertaken by the National Food Authority under the leadership of Assistant Secretary Orlan A. Calayag have already been scrutinized by the Senate, the House of Representatives and the National Bureau of Investigation and were found to be above board,” dagdag niya.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Matapos magbitiw si Calayag bilang NFA administrator, siya ay tilaga ni Alcala bilang DA assistant secretary for policy.

Samantala, si Guerrero ay itinalaga bilang chief of staff ni Alcala subalit ito ay nag-file ng leave of absence bunsod ng kontrobersiya.

Iginiit ni Guerrero na ang mga alegasyon laban sa kanya ay walang basehan at malisyoso. - Ellalyn B. De Vera