Nagsampa ng kasong libelo ang broadcaster na si Melo Del Prado laban sa anim na empleyado ng Philippine Daily Inquirer at dalawang dating opisyal ng National Agri-Business Corporation (NABCOR) bunsod na nailathala ng pahayagan na tumatanggap ito ng suhol mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Raul Pangalangan, PDI publisher; Letty Jimenez-Magsanoc, editor-in-chief; Jose Maria Nolasco, managing editor; Abelardo Ulanday, associate editor; Artemio Engracia Jr., news editor; at Nancy Carvajal, reporter.

Kinasuhan din sa sala ni Assistant City Prosecutor Reynaldo Garcia ang mga dating opisyal ng NABCOR na sina Rhodora Mendoza at Victor Roman Cacal.

Ang kaso ay nag-ugat sa mga nailathala sa PDI noong Marso 19, 20 at 21, 2014 kung saan nakasaad na tumanggap si Del Prado ng “lagay” mula sa PDAF na ikinubli bilang “advertising expense”.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Iginiit ng abogado ni Del Prado na si Reginald Francisco na malisyo sa ulat dahil walang basehan ang mga ito at hindi umano bineripika ng PDI kaya nakasira ito ng reputasyon ng mamamahayag. (Chito Chavez)