BATANGAS CITY - Nasa kostudiya na ng pulisya ang dalawang tauhan ng Batangas City Police na umano’y nanghampas ng baseball bat at wooden paddle sa anim na bilanggo sa Batangas City.

Sa inilabas na memorandum ni Supt. Manuel Castillo, hepe ng pulisya, “restricted” sina PO3 Alexander Olea at PO3 Jonas Guarda, kapwa miyembro ng Anti-Illegal Drugs Task Force ng Batangas City Police.

Dinala sa Batangas Medical Center sina Henry Briones, 43; Jeffrey Espeleta, 23; at Ruel Cueto, 46 anyos.

Inilipat naman sa Batangas City Jail sina Edward Dalisay, 34; Ranelio Aguilar, 31; at Randy Doce, 47 anyos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa report ni SPO2 Arnold Abdon, sa pagitan ng 10:00 ng gabi ng Agosto 20 at 12:00 ng hatinggabi noong Agosto 21 nang umano’y bugbugin ang mga biktima na pawang nahaharap sa kasong illegal drugs sa loob ng opisina ng mga suspek.

Inatasan ni Castillo si Insp. Julius Almeda, hepe ng Investigation Section, na imbestigahan ang insidente.