ILOILO CITY— Ang rehiyon ng Western Visayas ay may naitalang pinakamaraming kaso ng violence against women sa buong bansa.
Ayon sa rekord ng Philippine National Police, umabot ng 16, 517 ang naitalang kaso sa buong bansa noong 2013. Sobrang taas ang numerong ito kumpara noong taong 2012 na may naitalang 11, 531 lamang.
Sa kabuuang kasong ito, nairehistro ng Western Visayas ang 3, 747 na kaso, pumapangalawa ang rehiyon ng Davao (3, 614), at pumangatlo ang Northern Mindanao (2, 064). Sumunod rito ang Region 12 (1, 037), CARAGA (939), at Metro Manila (794). Pinakamababa naman ang Western Mindanao na mayroong nairehistrong 109. - Jun N. Aguirre