Naghain si Rep. Sajid Mangudadatu (2nd District, Maguindanao) ng panukalang batas na nagtatakda sa calibration ng fuel pumps sa lahat ng gasoline stations sa buong bansa.

Nakasaad sa kanyang House Bill 4413, na lahat ng fuel pumps sa mga gasoline station ay dapat na iniinspiksiyon nang regular at calibrated dalawang beses sa isang buwan.

Ang sino mang lalabag dito ay papatawan ng multang P150,000 hanggang P1 million at suspensiyon ng permit to operate sa loob ng tatlong buwan.

Samantala, ang sino mang opisyal ng gobyerno na papayagan ang may-ari ng gasolinahan na mag-operate nang hindi sumasailalim sa periodic inspection at calibration ay papatawan ng isang taong pagkabilanggo at multang P500,000.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon