Inaasahang aabutin ng dalawa hanggang tatlong buwan ang pagbabalik sa Pilipinas ng mga Pinoy peacekeeper mula sa Liberia, na mabilis na kumakalat ang Ebola virus.

Ito ang naging pagtaya ni Charles Jose, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ipinaliwanag ni Jose na ibayong pag-iingat ang ipatutupad ng gobyerno sa pagpapabalik sa 148 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bunsod na rin ng Ebola virus.

Matapos aprubahan ni Pangulong Aquino bilang commander-in-chief, inihayag ng DFA noong Linggo ang withdrawal ng Pinoy peacekeepers sa Liberia, na isa sa mga bansa sa West Africa na matinding tinamaan ng Ebola virus.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Itinaas na ng DFA sa Alert Level 2 ang status ng repatriation para sa Pinoy na nakabase sa Liberia. - Madel Sabater-Namit