SAN MATEO, Isabela— Isinusulong ng Department of Agriculture Region 2 ang paggamit ng mechanized rice farming para matulungan ang mga magsasaka sa mas mabilis na pagtatanim at mas maraming ani lalo na ang probinsiya ng Isabela na tinaguriang rice granary ng bansa.

Sa launching nitong Biyernes ng Rice Farm Mechanization Project sa Region 2 na binanasagang “Its More Fun in Mechanized Rice Farming, The Right Agri Way in Region 02,” sinabi ni DA-RFO 02 Regional Executive Director Lucrecio R. Alviar Jr. na panahon na para sa mechanized farming upang makapag-ani ng kanilang inaasamasam ang mga magsasaka.

Napag-alaman kay Hector Tabun, DA Information officer sa Region 2, na ang paggamit ng mechanized farming ay magreresulta sa mas malaking ani na aabot sa 10 tonelada bawat ektarya.

Sinabi ni Tabun na ang rehiyon 2 ay may 300,000 ektarya ng taniman ng palay at talagang kakailaganin na ang mas epektong paraan ng pagtatanim.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aminado si Tabun na sa panahon ngayon ay nagkakaroon ng problema sa magsasaka at talagang kulang na dahil karamihan sa mga batang residente ay pawang pag-aaral at pagtatatrabaho sa kumpanya ang nais.

“Sa ngayon nasa edad na 50-57 ang karamihan sa mga nagtatanim at hindi naman na kasing lakas ng mga kabataan at hindi naman nila kakayanin ang

magagawa ng mechanized farming,” ani Tabun.

“The use of tiller, transplanter and harvester equipments does not only make life easier for the farmers but ensures efficiency in land preparation, transplanting and harvesting, “ pahayag ni Alviar. - Liezle Basa Iñigo