Ipagpapatuloy ngayong Martes ang pagdinig sa Senado sa kontrobersiyal na Makati City Hall 2.

Ayon kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, subcommittee chairman, inaasahan nila ang pagsusumite ng karagdagang mga dokumento na may kinalaman sa umano’y “overpriced” na gusali na itinayo noong alkalde pa ng lungsod si Vice President Jejomar C. Binay at nakumpleto sa termino ng anak nito at kasalukuyang mayor ng siyudad na si Jejomar Erwin Binay.

Dedesisyunan pa rin ng lupon kung magsasagawa ng ocular inspection sa 11-palapag na gusali na inilalarawang “world class” ni Mayor Jun Jun subalit iginigiit ng grupo ni Renato Bondal na overpriced ng mahigit P 1.7 bilyon.

Samantala, lalo pang umiinit ang iringan sa pagitan ng kampo ng mga Binay at grupo nina Senator Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano hinggil sa usapin ng Makati City Hall 2. Iginiit nina Trillanes at Cayetano na dapat ay si VP Binay ang magpaliwanag dahil sa termino nito nagsimula ang naturang proyekto at anila, walang alam ang kasalukuyang mayor hinggil sa gusali.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pero sinabi naman ni Senator Nancy Binay na walang balak na dumalo ang kanyang ama sa Senate investigation at hindi ito papatol sa level nina Trillanes at Cayetano. - Leonel Abasola