Agosto 26, 1980, tinaniman ng bomba ng bilyonaryong si John Birges ang Harvey’s Resort Hotel sa Stateline, Nevada. Sinikap niyang makakuha ng $3 milyon mula sa casino sa pagsabing nawalan siya ng $750,000 sa pagsusugal, at pagbabantang pasasabugin ang dalawang bomba.

Ang Harvey’s Resort Hotel (ngayon ay tinatawag na “Harveys”), na may lawak na 87,500 square feet (8,130 m2), ay mayroong 740 silid at suites, anim na restaurant, at casino.

Tatlong kalalakihan ang nagtanim ng bomba na naglalaman ng 1,000 pounds (500 kg) ng dinamita sa Resort-Hotel, si Birges ang utak. Matapos mabigo ang pagtatangka na i-deactivate ang mga ito, sumabog ang bomba na bahagyang ikinasira ng casino ngunit walang nasaktan.

Ito ay naging pinakamalaking domestic bombing sa kasaysayan ng U.S. hanggang sa pagpapasabog sa World Trade Center noong 1993.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente