Inirekomenda ng Kamara ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga dating opisyal ng military bilang defense secretary hanggang ang itatalaga ay nakaranas ng hindi bababa sa tatlong taon bilang isang sibiliyan matapos siyang magretiro sa serbisyo.

Pinamumunuan ni Muntinlupa City, inirekomenda ng House Committee on National Defense ang pagpasa ng House Bill No. 2 na mag-aamiyenda sa Section 45 ng Chapter 10, Book IV ng Executive Order 292, na kilala rin bilang Administrative Code of 1987.

Nakasaad sa Administrative Code of 1987 ang mga kuwalipikasyon at limitasyon ng lahat ng department secretary, bukod pa sa nakasaad sa kanikanilang charter.

Bukod kay Biazon, kabilang sa mga principal author ng House Bill No. 2 ay sina Congressman Ferdinand Hernandez (LP, South Cotabato) at Joaquin Chipeco Jr. (NP, Laguna).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakasaad sa panukala ang pagbabawal sa isang commissioned officer ng Armed Forces of the Philippines na maitalaga bilang secretary ng Department of National Defense (DND) sa loob ng tatlong taon matapos itong masibak, mawalay o maretiro mula sa serbisyo.

Sinabi ni Biazon, isang dating AFP chief of staff, na layunin ng panukala na mabigyang halaga ang prinsipyong “civilian supremacy over the military.”

Kabilang sa mga dating opisyal ng militar, na nakatikim muna ng buhay ng sibilyan bago naitalagang kalihim ng Tanggulang Pambansa, ay sina dating Pangulong Ramon Magsaysay (Setyembre 1, 1950 hanggang Pebrero 28, 1953 at Enero hanggang Mayo 1954); Macario Peralta Jr. (1962-1965); Rafael M. Ileto (1986-1988); at Voltaire T. Gazmin (Hulyo 1, 2010 hanggang kasalukuyan). - Ben F. Rosario