UNANG nakilala si Isabelle de Leon bilang Duday sa now defunct sitcom na Daddy Di Do Du na pinagbibidahan noon ni Vic Sotto sa GMA-7.

Isabelle De LeonPagkaraan ng halos pitong taon, muling nagbabalik ang dating child actress via Trenderas ng TV5 na nakatakdang ipalabas sa Setyembre 13, Sabado.

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin daw ang nakakilala sa kanya bilang Duday. Na ikinatutuwa ni Isabelle dahil ibig lang daw sabihin nito ay hindi pa siya nakalilimutan ng mga tao.

"Natutuwa po ako at nata-touch dahil ibig sabihin kahit papaano, naaalala ka nila, di ba, bilang si Duday. Nata-touch po talaga ako. Kung hindi naman po dahil sa role na 'yun wala po akong parang launching pad, di ba po?" simula ni Isabelle sa pocket interview ng Trenderas sa Mario's Restaurant.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ang Trenderas, kabituin sina Phil pop sensation Lara Maigue at Suklay Diva Katrina Velarde, ay itinuturing niyang biggest break sa kanyang showbiz career. Kaya natutuwa siya sa break na ibinigay sa kanya ng TV5.

Tingin ni Isabelle, makatutulong sa kanila ang Trenderas para makilala sila. Gumaganap silang tatlo (Isabelle, Katrina at Lara) bilang mga tindera na magti-trending sa social media.

"Hopefully po. We're just praying and we're doing our very best talaga. Talaga pong nakatutuwa dahil ang TV5, lahat po in full-force po talaga sila to support Trenderas po talaga. Sa marketing, lahat nagkakaisa. Kami rin po ibinibigay po namin ang best namin sa bawat eksena. Grabe po ang taping nito, tala gang mabusisi ang bawat detalye.

"And'yung istorya nakakaaliw - comedy, drama, musical, sigurado po talagang maa-appreciate ninyo," wika ng dalaga.

At dahil sila ang bida sa serye, ramdam ba nila ang pressure? "Siyempre po, may malaking responsibilidad po na nakaatang sa amino So tinatapatan lang po namin iyon ng hard work, ng sipag at saka ng faith. Wala pong imposible kay God," prangkang wika ni Isabelle.

Mas nadaragdagan ba ang pressure kapag si Nora Aunor ang kanilang kaeksena?

"Siya po 'yung idol namin na magmi-mentor po sa amin kalaunan. May na-shoot na po kaming eksena with her.

"Una na-excite kaming tatlo, na-starstruck talaga kami. Pero she was kind and very humble at napaka-generous niyang aktres. Talagang nagbibigay siya ng tips sa pag-arte at napakabait niya.

"Sabi niya, ini-encourage niya kami, 'Naku, ang gagaling nitong mga ito!' So nakatutuwa po, coming from the one and only superstar, sobrang humble," lahad ni Isabelle sa amin.

Bukod pa kay Nora, kasama rin sa Trenderas sina Dingdong Avanzado, K Brosas, Cacai Bautista, Kitkat, Tina Paner, Ara Mina, Carl Guevarra, at Edward Mendez.