Kung mayroon mang malaking problemang kinakaharap ang Globalport Batang Pier sa sinasabing mas pinalakas nilang roster ngayon para sa 40th season ng PBA dahil sa kinuha nilang mahuhusay na rookie draftees, ito’y kung pano sila bibigyan ng kaukulang playing time.

“Iyong mga picks namin talagang eksakto sa mga puwesto na talagang kailangan ng team,” pahayag ni Batang Pier coach Pido Jarencio.

“Si Anthony Semerad ang ikalawang tres namin, puwede siyang pamalit kay Keith Jensen, tapos si Pringle (Stanley) alam naman natin na do-it-all-guy siya,” ayon pa kay Jarencio tungkol sa kanilang first round picks.

Hinggil naman sa iba pa nilang draft picks na sina Prince Caperal at Nard Pinto, umaasa si Jarencio na maaari niyang isabay ang mga ito sa iba pa nilang ka-posisyon sa team.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“Iyong talent naman nariyan at siyempre dahil nga puro bata, talagang magiging more on running game kami kaya puwede ko silang pagsabay-sabayin o kaya ay pagaralan na lang kung paano sila bibigyan ng exposure,” dagdag pa nito.

Si Pringle ang top pick sa taong ito, No.7 pick naman si Semerad habang No.5 at No.7 naman ang dalawang Arellano players na sina Caperal at Pinto sa second round, ayon sa pagkakasunod.