May umanong baliw na babae ang nakapasok sa loob ng Malacañang . kung paano nangyari ito sa dami ng nakapaligid na presidential security, kailangan palawakin mo ang iyong isip upang maunawaan ito.

Nakuhaan ng baril ang babae. Hindi naman daw niya babarilin si PNoy, kundi tatakutin lang daw niya ito dahil marami nang ginugutom ang Pangulo at isa na nga siya. kung totoo mang naganap ito o pagsunod lang sa nagawa nang script, hindi ito mahalaga. Ang mahalaga ay ang mensaheng naipaabot niya sa Malacañang ukol sa tunay na kalagayan ng ating mamamayan.

Hindi pa naman katagalan iyong balita na isang ina ang pumatay sa kanyang tatlong batang anak. Dahil sa gutom at sa awa sa kanyang mga anak na hindi niya mapakain, nawala siya sa kanyang sarili at piniling wakasan ang kanilang paghihirap. Pangkaraniwan na ang mga nawawala rin sa sarili at kinikitil ang sarili nilang buhay gawa ng kagutuman.

Ang digmaang nagapanap sa Libya, Syria, at iraq ay kumitil ng maraming buhay at naglagay sa panganib ang buhay ng mga naririto. Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa mga bansang ito at mayroon na nga sa kanila ang nangamatay. Puwersahang silang kinukuha rito, pero, mayroon sa kanila ang hindi sumasama at nagpasiyang manatili sa mga napakapanganib na lugar. Dito anila ay mabubuhay kami, kapag umuwi kami ay mamatay kami sa gutom. Nagpapatiwakal na rin sila.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kung walang korup, walang mahirap, wika ni Pangulong Noynoy nang siya ay nangangampanya sa panguluhan at binibigyan ng pagasa ang sambayanan. Dumarami ang mga mahirap sa panahon ni PNoy at dumarami rin ang mga tulad ng babaeng pumasok sa Palasyo na may dalang baril para takutin ang Pangulo. Dahil sa kagutuman, dumarami ang mga baliw, hindi lang nagpapatiwakal kundi pumapatay pa ng kapwa. Dumami rin kasi ang mga tiwali.