Ni BEN ROSARIO

Ipinag-utos na ng Commission on Audit (CoA) sa Makati City government na i-auction ang iba’t ibang real property na sinamsam ng pamahalaan siyudad matapos hindi mabayaran ang P1.2 bilyon halaga ng buwis para sa mga ari-arian.

Base sa 2014 annual audit report para sa Makati City, inihayag ng CoA na umabot sa P794.001 milyong halaga ng property tax at P424.71 milyong special education tax and hindi nabayaran sa BIR.

“Failure to collect delinquent taxes totalling P1.218,720,328.66 within prescribed period was a lost opportunity of an additional revenue that could have been utilized by the City for tis programs and projects including the delivery of basic services to its constituents,” ayon sa COA report.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inirekomenda ng mga state auditor sa mga opisyal ng pamahalaan siyudad na agad na gumawa ng mga hakbang upang makolekta ang bayarin sa buwis tulad ng nakasaad sa Revised Makati City Revenue Code.

“While RPT and SET collections for CY 2013 had increased by P107,792,20.78 (6.15 porsiyento) and P85,930,803.87 (6.29 porsiyento) respectively, as compared with CY 2012 collection performance, the City can still increase its revenue if the delinquent taxes for CYs 2009 to 2013 in the total amount of P1.354 illion for RPT and P732 million for SET will be vigorously pursued using the remedies provided in the Revised Makati Revenue Code,” ayon sa audit agency.

May kapangyarihan ang city government na gumawa ng administrative action sa pamamagitan ng “levy on real property and sale of real property by public auction or by judicial action.

“Identify which among those delinquent taxpayers for CYs 2003 to 2008 had committed fraud or intent to evade payment so that proper remedy can still be applied as provided for in the Code,” pahayag ng COA.

Ayon sa Makati City government, isasalang sa public auction ang mga real property na may tax delinquency sa Oktubre 2014.