Tinanghal na kampeon ang Cat Express at Princess Ella sa unang yugto ng 2014 Philracom Juvenile Fillies/Colts Stakes races noong Linggo.

Magaan na tinapos ng Cat Express ang karera kasunod ng Hook and Shot, Leona Lolita at Jazz Asia na bumuo ng Quartet at nagbigay ng P253.80 habang sa forecast ay nagbigay ng P78.00.

Tinanggap ng Cat Express ang premyong P.6 milyon habang ang Hook and Shot ay napagkalooban ng P225,000, P125,000 ang pumangatlong Leona Lolita at P50,000 sa pumang-apat na Jazz Asia.

Sa Setyembre 21 ay nakahanda namang bitawan ang mas mahabang karera, ang 2nd leg ng Juvenile Fillies/Colts Stakes races sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang nasabing karera ay may distansiyang 1,200 meters at posibleng maglaban pa rin ang apat na mananakbo.

Tinanghal namang kampeon ang Señor Patrik sa katatapos na NPJAI Mr. Goerge Y. Stribling kung saan ay nag-uwi ito ng garantisadong premyo na P180,000.

Pumangalawa ang Rio Grance na nabiyayaan naman ng P67,500 habang pumangatlo ang Pusang Gala at ikaapat ang Polonius’s Advice.