GINUGUNITA ng buong mundo si Blessed teresa of Calcutta na mas tanyag sa pangalang Mother teresa, sa kanyang kaarawan ngayong Agosto 26. Siya ay na-beatify noong Oktubre 19, 2003, ni Saint John Paul ii sa Rome, na tumawag sa kanya na “one of the most relevant personalities of our age” at “an icon of the Good Samaritan”. Ang kanyang buhay, aniya ay, “a bold proclamation of the gospel”.
Naging inspirasyon si Blessed teresa ng maraming komemorasyon. itinalaga ng United nations ang kanyang death anniversary sa Setyembre 5 bilang international day of Charity. Siya ang patron ng World Youth day. Siya ay ginugunita sa mga museo, ginawang patron ng maraming simbahan. ipinangalan sa kanya ang ilang paaralan, ospital, charitable institution, research center, istruktura, mga lansangan at mga bata.
Para sa mga Katolikong Pilipino, siya ay huwaran ng pag-ibig, pagkalinga, at pagmamalasakit, at isang inspirasyon sa kanyang banal na pamumuhay at pagkakawanggawa. Tatlong beses niyang binisita ang Pilipinas: itinayo niya ang Alay ng Puso (Home for Sick and Malnourished Children) sa Binondo noong 1976; pinasinayaan ang immaculate Heart of Mary Home for the Sick and destitute sa tondo noong 1977; at naging panauhing pandangal sa Rotary international noong 1984. Ang rebulto ni Blessed teresa, na handog mula india ay pinasinayaan noong Hulyo 16, 2013 sa University of Santo tomas na kanyang binisita noong 1977 at 1984.
Isinilang sa Anjeze Gonxhe Bojaxhiu noong 1910, sa mga magulang na Albanian sa Skopje, Ottoman Empire (Macedonia ngayon), umanib siya sa Sisters of Loreto sa edad na 18, at naging novitiate sa darjeeling, india. nanumpa siya sa kanyang tungkuling pangrelihiyon noong 1931, at pinili ang pangalang teresa pati ang kanyang mga banal na tungkulin noong 1937. Naglingkod siya sa loob ng 20 taon sa Loreto Community sa Calcutta, naging administrator nito noong 1944. Nagsimula siyang magtrabaho sa mga maralitang lugar noong 1948. itinatag niya ang Missionaries of Charity, na siang kongregasyon na nagbibibigay ng libreng serbisyo sa pinakamahihirap na pamayanan. Lumago ito sa mahigit isang milyong sister sa 133 bansa kabilang ang Pilipinas, nagpapatakbo ng mga ampunan, bahay-kalinga, mobile clinic, charity at refugee center, at mga klinika para sa may mga ketong. Siya ang Superior General nito mula 1950 hanggang 1997. Mahusay siya sa limang wika: Bengali, Albanian, Serbian, English, at Hindi.
Iginawad ng india sa kanya ang Jawaharlal nehru Award for international Understanding noong 1969. tumanggap siya ng Ramon Magsaysay Award for international Understanding noong 1962, ng Pope John XXiii Peace Prize noong 1971, ng Albert Schweitzer international Prize noong 1975, at ng nobel Peace Prize noong 1979. isang state funeral ang ipinagkaloob sa kanya noong Setyembre 5, 1997, at iprinusisyon ang kanyang labi sa Calcutta lulan ng isang karwahe na kasama ang mga labi ng dalawang dakilang leader ng india – sina Mohandas K. Gandhi at Jawaharlal nehru. daan-libong mamamayan ang dumalo sa kanyang lamay, pati na ang mga pangulo, prime minister, religious leader, mga hari at reyna, at mga special envoy.