Hindi na makontrol ang epidemyang Ebola, ayon sa international aid organizations na kabilang ang Medicins Sans Frontieres na nagmomonitor sa situwasyon sa West Africa. dinokumento ng World Health Organization (WHO) ang 1,427 patay ngunit ang aktuwal na bilang ay hindi pa matiyak dahil kumalat na ang epidemya sa malalayong lugar sa Guinea, Sierra Leone, Liberia, at nigeria.

Ang unang non-African na namatay ay isang Spanish monk. dalawang misyonerong Amerikano ang gumaling matapos sumailalim sa intensive care sa isang ospital sa Georgia, United States. noong Sabado, inanunsiyo na may isang British na nakatira sa Sierra Leone ang nasuring positibo, ang unang Briton na nabiktima ng nakamamatay na sakit.

Naipapasa ang Ebola sa direct contact sa body fluids ng infected na tao. Kaya nakaharap sa panganib ang mga healthcare provider at caregiver. Marami nang doktor at nurse ang namatay nitong mga huling buwan.

Isa nang malalang suliranin ang pagkalat ng Ebola na naipapasa ng tao sa tao. Ganito rin pinapalagay kapag ang 115 sundalong Pilipino ng United nations Peacekeeping Force ay magsisiuwi mula Liberia na naatasang magbalik-bansa ng ating gobyerno dahil sa hindi maawat na pagkalat ng epidemiya sa bansang iyon. Kapag nagbalik sila sa Pilipinas, tiniyak ng department of Health na ipatutupad nila ang mahihigpit na hakbang upang hindi mahawa ng nakamamatay na sakit ang sinuman. isasailalim sa quarantine ang mga sundalo sa loob ng 21 araw mula sa kanilang pagdating.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga sundalo ay hindi lamang mga Pilipino na inaasahang uuwi mula sa West Africa. Libu-libong Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa iba’t ibang bansa roon – hindi lamang sa mga apektadong bansa ng Guinea, Sierra Leone, Liberia, at nigeria, kundi pati na sa mga kapalpit na Senegal at Gabon na nagsara na ng kanilang mga hangganan at nagbawal ng flights mula sa apat na bansa. Karamihan sa mga OFW na ito ay magsisiuwi sa Pasko.

Marami pang hindi nalalaman tungkol sa Ebola, dagdag pa rito ang katotohanang wala pang bakuna o gamot na panlunas para rito.

Ang droga na ginagamit ng ilang pasyente ay nananatili pa ring nasa experimental state. Kaya kailangang umasa tayo sa mga nagbabalik na sundalo na hindi sila nagtataglay ng naturang sakit at ang mga hakbang ng dOH ay dapat na mahigpit upang matiyak na walang Ebola virus ang magbabanta sa publiko.