Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagnegatibo sa nakamamatay na Ebola virus ang Pinoy seaman na sinusuri sa Togo.

“Our Embassy in Nigeria reported that test on Filipino national yielded negative result for Ebola,” sabi ni DFA Spokesperson Charles Jose. “He was diagnosed with flu.”

Una nang sinabi ni Jose na isang seaman na Pinoy sa Togo ang sinusuri matapos na magpakita ng mga sintomas na gaya ng sa Ebola.

Itinaas ng DFA ang alert level 2 sa Guinea, Liberia at Sierra Leone habang alert level 1 naman ang nakataas sa Nigeria dahil sa pagkalat ng Ebola virus.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

May outbreak ng sakit sa nasabing mga bansa sa West Africa at mahigit 1,000 na ang namatay.

Kasabay nito, tiniyak ng Malacañang na nagpapatupad ang gobyerno ng “very stringent measures” sa monitoring at pagsusuri sa mga posibleng kaso ng Ebola virus.

“Huwag tayong mag-alala dahil sa mga nakaraang pinagdaanan ng DoH sa pagsubok nilang hindi makapasok ‘yung ibang umiikot na sakit sa ibang bansa sa ating bansa ay maganda na ang kanilang naging pagsasanay,” sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

“Very stringent ang pag-test ng ating DoH [sa mga dumarating sa bansa mula sa mga bansang apektado ng outbreak],” sabi ni Valte. - Madel Sabater-Namit