CABANATUAN CITY - Wala nang dapat ipangamba ang mga magsasaka sa bansa tungkol sa problema sa patubig dahil mamumuhunan ang gobyerno sa pagpapalawak sa sakop ng irigasyon sa iba’t ibang sakahan sa bansa sa paglalaan ng P23 bilyon para sa National Irrigation Administration (NIA).

Sa isang panayam, tiniyak ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis Pangilinan na dadami pa ang sakahan, partikular ang mga palayan, na mapatutubigan, alinsunod sa bubuuing 10-Year Irrigation Master Development Plan.

Isa sa mga pangunahing pinaglaanan ng pondo ang rehabilitasyon ng Bustos Rubber Dam na 1963 pa naitayo, at pinondohan ng mahigit P1 bilyon. - Light A. Nolasco
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists