Trabaho sa ibang bansa ang tinututukan ng pamahalaang panglalawigan ng Pangasinan para sa mamamayan nitong nais magtrabaho sa industriya ng sakahan at konstruksyon sa Japan.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DoLE)-Region 1 Director Grace Ursua, inaprubahan na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga job order ng isang lokal na recruitment agency para sa iba’t ibang trabahong pang-agrikultura at pang-konstruksiyon sa Japan.

Sisimulan ang recruitment sa Alaminos City ngayong Lunes, Agosto 25, hanggang bukas, Agosto 26. Mayroon din sa Agosto 28 sa Public Employment Service Office (PESO) ng Manaoag; at sa Setyembre 4 sa PESO ng Bani. - Wilfredo Berganio
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya