DAHIL abala tayo sa maraming gawain, kumikilos agad tayo pagkatapos nating kumain. At marami rin sa atin ang hindi nakaaalam sa masamang epekto ng agad na agad na pagkilos matapos ang isang masarap na pagkain. Marami nang mungkahi ang mga eksperto sa kalusugan tungkol sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin pagkatapos kumain. Habang ang ilan sa mga mungkahing ito ay totoo, ang iba naman ay mga alamat lamang na kailangan pang patunayan. Alamin natin ang ilang alamat na iyon at ilang katotohanang napag-alaman ng mga dalubhasa. Narito ang ilang bagay na hindi dapat gawin pagkatapos kumain. Anila, kailangan mong maghintay ng mahigit 30 minuto o hanggang isang oras bago mo gawin ang mga ito:

  • Lumangoy. – Nagkaroon na ng mga pagtatalo sa paksang ito, ngunit ayon sa isang artikulo sa Men’s Health hinggil sa pananaw ng isang gastroenerologist, mas mainam na maghintay ng 30 minuto o higit pa bago lumangoy “dahil mas maraming dugo ang nagpupunta sa gastrointestinal tract pagkatapos kumain na maaaring magdulot ng pamumulikat”. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pupulikatin ka, ngunit mainam na ang maging maingat, di ba?

  • Probinsya

    Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

  • Mag-shower. – Upang maayos ang pagtunaw ang iyong mga kinain, kailangang hayaan mong dumaloy ang iyong dugo patungo sa iyong tiyan. Sinasalungat ito ng paliligo. Kapag naligo ka pagkakain, nagtutungo sa iyong mga kamay at paa ang iyong dugo. Naapektuhan nito ang digestion ng pagkain at maaaring magdulot ng komplikasyon sa iyong kalusugan. Inirerekomenda ng mga eksperto na maghintay ng 30 minuto matapos kumain bago ka maligo.
  • Matulog. – Kapag may nagsabi sa iyong huwag kang matulog agad pagkatapos kumain, dapat kang tumalima. May kinalaman dito ang gravity. Kapag humiga ka, nagsisimulang dumaloy ang digestive juices mula sa tiyan at maaaring magdulot ito ng pamamaga ng bituka. Ito ang dahilan kung bakit nakararanas tayo ng panunuyo ng bibig at lalamunan kapag natuloy tayo agad pagkatapos kumain. Kapag natulog ka agad pagkatapos kumain, magdadagdag ka lang ng pressure sa iyong diaphragm.

Sundan bukas.