MANDAUE CITY, Cebu – Nasa 5,000 kilo ng shark fins na tinatayang nagkakahalaga ng P15 milyon ang nakumpiska ng awtoridad mula sa isang 20-foot container van na patungong Hong Kong.

Ang ilegal na kargamento sa container van ay naharang ng mga tauhan ng Cebu Provincial Anti-Illegal Fishing Task Force pasado 11:00 ng umaga noong Sabado sa Barangay Paknaan, Mandaue City.

Sinabi ni Loy Madrigal, hepe ng task force, na dinakip pero agad ding pinalaya ng awtoridad ang driver at pahinante ng van matapos mapatunayang nautusan lang ang mga ito sa delivery, pero nagawang magbigay ng detalye tungkol sa may-ari at pinanggaling ng van. - Mars W. Mosqueda Jr.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon