Ni HANNAH L. TORREGOZA

Nanawagan si Senator Ma. Lourdes “Nancy” Binay sa Commission on Audit (CoA) na maging patas at pairalin ang katotohanan kapag ipinalabas nito ang full audit report sa ginamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Malampaya fund.

Umaasa rin si Binay na ipalalabas agad ng CoA ang audit finding nito sa PDAF at Malampaya fund upang matukoy ang mga opisyal ng pamahalaan na naglustay ng pondo imbes na gamitin ito sa kapakanan ng mga mamamayan.

“It’s already been a year since we tackled this, but COA is not doing any moves. A summary of the report would do if they are not yet ready to present the full audit report on the PDAF,” pahayag ni Binay, tungkol sa isyu ng P10 bilyong pork barrel scam.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“They should also bare its report on the controversial projects under the Disbursement Acceleration Program (DAP) from 2011 to 2013,” dagdag niya. Hanggang ngayon, sinabi ni Binay na kahit isang summary ng audit report sa PDAF sa 2010 hanggang 2013 – kung kailan nangyari ang paglulustay umano ng pondo – ay hindi pa rin nailalabas ng CoA.

“Lalong pinapatagal lang ng COA ang boksing--delayed telecast na nga, puro pa patalastas. It would be prudent for COA to immediately release their findings, including other NGOs who took part in the PDAF and Malampaya deals,” ayon sa bagitong mambabatas.

Idineklara ng Korte Suprema ang PDAF at ilang probisyon ng DAP na unconstitutional, habang mahigit sa P900 milyong bahagi ng Malampaya fund ay inilaan sa mga pekeng NGO sa kutsabahan umano ni Janet Lim Napoles at ng ilang tiwaling mambabatas